hi there! I'm Kyla Parel
from aparri, cagayan, philippines



welcome to my blog! you can read some of my thoughts here. have a blessed day!

Previous Posts

goodbye August... it pays to be a coward sometimes! my someday has arrived!

Archives

July 2008 August 2008 September 2008



hit counter image
free hit counter gallery


 

01 September 2008

kulang kulang!

Ako’y isang ballpen na walang tinta
Isang bag ng potato chips na puro hangin pala
Isang test questionnaire na di masagutan,
Isang lirikong di malapatan,
Isang buto ng bulalo
Taktakin mu man, di nilalabasan
Isang dvd na nabili sa recto
na walang laman
Isang estudyanteng nagmayabang,
pagdating sa recitation wala palang alam
Isang speech ng pulitiko na walang kabuluhan
Isang ulap na hindi kayang magpaulan
Isang atm na kung kailan kelangan mu ng pera saka pa nawalan
Isang dyip sa kahabaan ng espanya
At si mamang tsuper lang ang lulan
Di na mapupunan pa ang malaking puwang
Na nakaawang sa katauhan ng isang
Taong tulad ko na ang pag-asa’y
Tuluyan nang naubusan.

posted by kselle @ 7:07:00 PM,




1 Comments:

At March 25, 2009 at 3:47 PM, Blogger jesse james said...

creative poem...it has a realistic sense of view..natawa aq dun sa estudyante and s pulitiko...,,dami kc ganyan ..,,

 

Post a Comment

<< Home